Friday, November 4, 2016

REPLEKSYON

Sa pamamagitan ng akdang ito,nailahad nito ang katotohanan o realidad ng buhay na may mga mga mag-asawang kahit matagal ng nagsasama ay hindi basta pagkalooban ng anak. Ang magdasal sa lahat ng santo at magsayaw sa Ubando ay kanilang ginagawa para lamang mabiyayaan ng hinihiling na supling na siyang nagpapahayag ng pagtuon ng pansin sa interpretasyon ng buhay ng bawat tao sa mundo at sa problemang hatid nito. Sitwasyon na kung saan ay taglay na ang lahat ng karangyaan sa buhay ngunit may mabigat ding suliranin na nagpapatunay na hindi lahat ng bagay sa mundo ay perpekto. Sapagkat may mga pagkakataon na kahit nasa atin na ang lahat ng pangangailangan para mabuhay, mayroon at mayroon pa ding palaging kulang na kukumpleto sa atin.

Nagging mabisa para sa akin ang pagiging positibo ng mga tauhan sa pagharap nila sa suliranin sa kanilang buhay. Sa kabila ng tagal na panahon na hindi sila biyayaan ng anak ay hindi kailanman sila sumuko ,araw-araw ay nagdarasal at umaasa na balangaraw ay darating din ang kukumpleto sa kanilang pamilya. Ang ganitong pananaw na maaaring magging sandigan ng mga mag-asawa na sa tagal ng panahong nagsasama at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagkakaanak. Nabatid ko sa akdang ito na dapat ay laging isapuso na ang lahat ng bagay sa mundo ay may tamang panahon at pagkakataon, magging positibo sa buhay at huwag mawalan ng pag-asa na darating din ang panahon na makakamit ang lahat ng ninanais at inaasam-asam sa buhay.


Ang katauhan ni Virginia sa akda ay kinakitaan ko ng pagka maka-Diyos na ugali nating mga Pilipino. Kilala tayong mga Pilipino bilang mga relihiyoso sapagkat tapat mamanata sa mga santo at simbahan sa paniniwalang maipagkakaloob ang anumang hilingin sa mga ito. Marapat lamang na ating panatilihin ang matibay at di mapapantayang pananalig sa Panginoon sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Tumatak sa akin na ang pananalig sa Panginoong na kinabakasan sa akdang ito ay isang magandang asal na dapat taglayin hindi lamang nating mga Pilipino kundi lahat ng tao sa mundo.

BUOD

Image result for Bunga ng kasalanan image
Sampung taon ng nagsasama sina Rodin at Virginia bilang mag-asawa. Masasabing masagana at marangya ang kanilang buhay sapagkat mayaman si Virginia at may pangalan naman si Rodin. Si Virginia ay isang madasalin at palasimba. Ngunit sa haba ng taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi sila kailanman biyayaan ng anak. At dahil sa modernong panahon, mayroon na ding mga makabagong pamamaraan ng panggagamot. Na nagbigay daan ng panibagong pag-asa sa mag-asawa na nagbigay lunas sa kanilang suliranin. Nagdalang tao si Virginia at di naglaon ay nagsilang ng isang sanggol na labis na ikinatuwa ni Rodin. Dahil nga si Virginia ay madasaling tao, ipinagkandili niya na bunga ng kasalanan ang sanggol na kanyang iniluwal mula sa sinapupunan at hindi niya lubusang matanggap ang bata. Dumating sa punto na nawala na sa katinuan si Virginia na ikinalungkot ni Rodin. Hanggang sa isang araw si Virginia ay nanaginip. Dahil sa isang panaginip na hindi niya inasahan ay nanaig ang lukso ng dugo at biglang hinagkan ang anak na inimo’y ilang taong hindi nagkasama. Dama ang pananabik sa kanyang anak.